Stay My Love – 3

Stay My Love – 3

“Lino a little to your left.” Richard was guiding one of their helpers, Lino, who was hanging the signage which bears the details about their big sale. They always have a promo on the month of his wife’s death anniversary. It is Richard’s way of  honoring his late wife, who had always been generous and very charitable when she was still alive.

“Eto po kuya Chard?” Lino yelled from the rooftop of the building.

“There better! Okay na yan Lino! Bumaba ka na pagkatapos mo.”

“Ricardo nakahanda na yun agahan ninyo. Almusal muna kayo bago nyo ituloy yun ginagawa nyo.” Manang Fe appeared behind him.

“Mamaya na po Manang. Uminom na rin naman ako ng kape kanina atsaka tapusin ko na muna isalansan yun mga galon ng pintura. Di daw papasok si Bugoy kaya gawin ko na muna.”

“Naku kay Lino mo na ipagawa yan. Hindi ka na bumabata Ricardo. Baka bumigay na ang buto at likod mo sa kakabuhat nyan. Atsaka bakit puno ng grasa yun damit mo?”

“Manang malakas ako. Stop worrying about me. Wala naman na akong ibang gagawin. I don’t want to be useless. Hayaan nyo na ako. Atsaka etong grasa, inayos ko kasi yun truck kanina, medyo nadumihan. Promise ako ang maglalaba ng T-shirt na to. Wag ka nang mangunsumi dyan.” Then Richard smiled and hugged his nanay-nanayan, Manang Fe, who was actually the only person he considers family.

“Naku! Dadaanin mo na naman ako sa mga akap akap na yan. Basta pakatapos nyan, magpalit ka ng damit at kumain. Ang dumi mong tingnan. Buti na lang gwapo at mabango ka kasi kung hindi matuturnoff yun mga customers sa’yo lalo na yung mga babae. Suplado ka na nga, masungit na tapos ang dumi pa ng damit mo. Magpalit ka mamaya.” Manang Fe joked.

Richard didn’t like it. His face turned sour and he became quiet all of a sudden and Manang Fe knows the reason. Manang Fe’s longtime teasing of entertaining other girls never fails to destroy Richard’s mood.

“Naku Ricardo kahit magalit ka pa sakin uulit-ulitin ko pa rin na kailangan mo nang bawasan ang pagiging suplado mo. Kailangan mo nang maghanap ng makakasama mo. Tumatanda na ako at wala nang magaalaga sa’yo kapag sumunod na ako kay Maya. Aba ang tagal na kaya nyang pagluluksa mo. Sugurado akong pikon na si Maya habang nakikita nyang ganyan ka pa rin. Kung ikaw ba yun unang kinuha, gugustuhin mo bang habangbuhay na magmumukmok at magluluksa si Maya? Kaya kung ako sa’yo….”

“Manang please…” he pleaded.

Manang Fe shook her head but she changed the topic knowing that Richard is already upset. “Basta pumasok ka na dun pagkatapos nyo dyan. Sina Liza, Joma at Simon kumain na. Kayo na lang ni Lino and di pa nakain.”

“Okay Manang.”

=====================

“Emman, ako na lang kasi. Wag ka nang sumama.” Maya and Emman were arguing already. Maya told her friend or her intention to go to the hardware and buy some stuff for her room.

“Naku Maya, pumaparaan ka pa dyan. Gusto mo lang ma-sight si pogi. At ano namang bibilhin mo dun? Aber?” He raised his brows and folded his arms.

“Basta Emman! Mga anik anik! Wag ka nang makulit.”

“Naku girl hindi natin kilala yun inistalk natin. Malay mo serial killer, manyakis or magnanakaw ng halik! Eeehhhh iskeyri!!!”

“Huy tumigil ka nga Emman! Ang oa nito. Atsaka di naman nya alam na crush ko sya. Bibili lang nga ako. Gusto ko lang makita kung okay sya kasi di ba wala siya kahapon. Ewan ko ba pero hindi ako mapalagay kahapon. Yun parang nagaalala talaga ako. Baka nagkasakit siya, baka naaksidente sya kakabuhat ng mga paninda sa hardware, baka may sakit yun asawa or anak… Ay erase erase! Single pa yun. Ang bata pa nya para magkaroon ng asawa.”

Emman couldn’t help but laugh at Maya’s silliness. “Ay grabe concerned masyado! Atsaka connected? Nakakaramdam ng pinagdadaanan ni chinoy hardware man? Ewan ko sa’yo Maya. Oa na yan girl sinasabi ko sa’yo.”

“Ay basta Emman! Hayaan mo na lang ako.”

“Naku girl malala na ang tama mo dyan ha! O sige pumunta ka nang mag-isa mo. Basta don’t forget to bring your cellphone. Tapos kapag may ginawang bad tawagan mo agad ako at sumigaw ng ‘help!’ para marescue kita.”

“Ay ewan ko sa’yo Emman! I’m sure ang isisigaw ko ay ‘love ko na siya!'” Then Maya giggled. Kilig na kilig sya.

“Baliw ka na talaga girl! O sya gora na and meet the hardware chinito man of your dreams.”

Then Maya left Emman at their boarding house. She was really determined to see the her crush.

==================

“Who are you?!!! What are you doing?!!!”

Richard Lim’s voice startled the young lady peeping thru the glass window of his inner office.

Richard went inside his office to get the orders for the bathroom tiles when he realized that the teenager, whom he earlier saw choosing some hooks at their display shelves actually followed him and stopped by his office door. She’s craning her neck trying to get a glimpse of something or someone in his office.

“Aba umiinglish siya at ang ganda ng boses.” Maya muttered giddily to herself when she heard the voice of the guy who was the purpose of her visit. She was very impressed when she heard him speak. She never expected his voice to be that way.

When she didn’t see him yesterday, Maya decided to visit the hardware and buy some hooks that she could use in her room. It’s the only excuse she could think of to see her crush. But when she saw him and now hearing his voice, her heart somersaulted and she forgot the alibi she initially thought of.

“Ah eh, ah eh… uhm… ano kuya. May survey lang. Pwede ka bang interviewhin?” Maya shyly asked the very good looking chinito who’s obviously irked to be disturbed from his work. Despite his shirt full or grease and grime, Maya couldn’t help but appreciate up close his very handsome features. His chinky eyes, nose, thin lips, flawless white skin, his perfect set of teeth, his fit body and his sexy, deep voice made Maya’s heart beat so fast that she thought she would faint. If the object of their stalking was already very handsome from afar, she wasn’t prepared from seeing him face to face. Maya was already blushing, so giddy being in front of him.

“Interview? Para saan?” He was also surprised to be facing a lovely lady.

For the past years he avoided any encounter with the opposite sex. He believes that he will be hurting his wife so he avoided any encounter with women. He even resigned from his work after Maya died. He decided to just put up his hardware business which had been very successful for many years.

If Maya’s heart somersaulted when she saw her good looking crush, Richard’s heart also skipped a beat when he saw the lady in front of him. But he hated the feeling. He shouldn’t even acknowledge it. He shouldn’t find any girl other than his wife attractive.

Maya who was now trying her best to be composed despite what she is feeling, managed to come up with reasons for her being there.

“Ah eh konti lang po kuya na tanong, uhm… ano lang po, tungkol sa pagtratrabaho nyo dito, tungkol sa pamilya nyo, kung mataas ba magpasweldo ang boss nyo, kung insured naman kayo kasi delikado yun trabaho nyo ha! Kung nagbabayad ba yun boss nyo sa SSS, Philhealth at Pagibig. Mga ganung tanong lang kuya. Pwede po ba?” Maya was hopeful that he would say yes.

But Richard was already upset at himself for allowing the lady to have some effect on him. He hated it.

“Hindi pwede! Sa iba na lang. Nagbibilang ako ng tiles dito. I don’t need to be distracted. Nakakaistorbo ang mga walang kabuluhang survey survey na yan. Ibang tao na lang ang istorbohin mo sa mga kalokahang ganyan!” He raised his voice then he turned his back on the lady whose doe shaped eyes reminded him so much of his wife.

Maya was suprised with the reaction of the chinito guy. He was rude and very far from the image she pictured. She was also very embarrassed being shouted at especially that there were other customers in the hardware whose eyes automatically turned to her direction.

“Ano miss? Hindi ka pa aalis?” He continued…

Maya turned red, not of giddiness anymore, but out of anger. She never met a person as rude and as ungentlemanly as the guy in front of her. What made it worse is that she admired him and even made him a part of her daily ‘fantasy’.

“Ang sungit! Mapagalitan ka sana ng boss mo. Magpapatulong lang naman. Pwede namang sabihin ng maayos na hindi ka pwede. Siguro kaya hanggang ganyan na lang ang trabaho mo kasi masama ang ugali mo. Hindi ka aasenso nyan. Gwapo ka sana pero natatakpan yan ng sama ng ugali mo. Sana nandito yun boss mo para nalaman nya kung gaano kasama ang ugali ng tauhan nya.” Maya said as she left the hardware. She was obviously very angry at how the chinito guy treated her.

Ricardo ano yun? Bakit iritable ka na naman? Sino yung kausap mo?” Manang Fe came out of their inner office when she heard Richard raise his voice. Manang Fe wasn’t able to see Maya anymore.

“Nobody Manang. Just a pesky teenager who wants to waste my time.” he shook his head, smirked and proceeded to resume checking the delivered tiles. He needs to take his mind off the lady he encountered. He refuses to acknowledge that she somehow affected him. It is wrong.

“Naku Ricardo bawas bawasan mo ang pagsusungit mo na yan.”

====================

“O Maya bakit galit na galit ka? Aba umiyak ka? May nangyari? May ginawa sya sa’yo?” Emman’s eyes widened.

Maya came home all fired up. She was really mad that she even cried because she was embarrassed at what happened to her and so disappointed that she wasted her time and even allowance on the chinito guy who turned to be so unworthy of her attention.

“Ang sama ng ugali nya Emman! Pangit rin pala siya kapag malapitan. Kasing pangit ng ugali nya! Mabalian sana sya ng buto! Naku nakakaasar talaga!”

“Ay aba umiba yun ihip ng hangin? Bakit ba? Kwento na girl!”

“Naku Emman, hindi na siya dapat pagsayangan ng oras.”

Then she stood up to proceed to her room with the intention to rest and calm herself.

But being calm is far from happening for what she saw atop her table suprised her. She got scared and all the more embarrassed and annoyed at herself.

On top of it was a boxed set of colorful hooks she took from the hardware. Out of anger, she left in a hurry without realizing that she’s still holding the set of hooks she was supposed to buy. She didn’t pay for it.

She was disturbed with the idea that she seemed to have shoplifted it.

==============

Preview of the Next Chapter:

“Tawagin mo na lang akong Manang Fe. Ako ang namamahala dito.”

“Naku Manang dapat po sabihin nyo sa boss nyo na sisantehin yun isang tauhan nyo dito. Makakasama siya sa negosyo nyo. Sikat pa naman ang hardware na to. Ang usap usapan kasi ay mapagbigay masyado yun magasawang may-ari nito at maraming charities at foundations na sinusuportahan.”

“Oo naman iha, mabait talaga at matulungin sila Sir. Pero sino namang empleyado ang tunutukoy mo para mapagsabihan ko mamaya. Siya ba?” Manang Fe was pointing towards Lino.

“Ah hindi po siya. Yung singkit po na nakasalamin at ang dugyot dugyot ng hitsura.”

“Ah si Ricardo.” Manang Fe hid her smile.

“Ricardo pala yun pangalan. Ang sama po ng ugali nya. Sinigawan at ipinahiya ako sa mga tao. Sana makarating po sa may-ari nitong hardware.”

“Hayaan mo iha, ipaparating ko sa may-ari at pagsasabihan ko rin na humingi ng sorry sa’yo. Bumalik ka dito bukas para makaharap mo sya.”

“Ay okay po yun Manang. Babalik talaga ako bukas. Grabe talaga sya.”

“Ako na ang humihingi ng pasensya ha iha. Pero bukas si Ricardo ang ihaharap ko sa’yo.”

Maya left with a smug look on her face. She was looking forward to seeing him ask for her forgiveness tomorrow. She felt vindicated already with the thought that the rude chinito would definitely be reprimanded by his employer.

My Safe Refuge 16

My Safe Refuge 16

It only took 15 minutes for Richard to reach Maya’s place. The anger he harbored the past days now turned to worry especially with what Ryan said and with Maya reminding him of their special day which she intentionally mentioned to be Nikki’s birthday. She couldn’t just erroneously mention the date if it holds no significance. There could be a reason for it. There could be a reason why she said all those things to him.

“Richard asan sina Maya? Akala ko magkasama kayo. Sinundo mo sila dito. Ipinagkatiwala ko sila sa’yo. Anong nangyari sa mag-ina?” Manang Fe bombarded Richard with questions the moment she opened the gate and saw him. The look of fear, not just worry was evident on her face.

“Manang Fe sumama si Maya sa asawa nya. Nagpakilala na siya si James Ventura. Nalilito rin po ako. Hindi ko maintindihan ang mga pangyayari. I thought he was dead. I don’t understand…”

Manang Fe led him inside the house.

“Manang Fe naglihim si Maya sa kin. Akala ko patay na yung asawa….”

“Muntik na syang mapatay ni James noon, Richard. Muntik na rin nyang mapatay si Luke…”

“Manang?”

“Hindi ni Maya ginustong maglihim sa’yo. Hindi naman namin pinaguusapan ni Maya yun nakaraan nya ngunit alam kong hindi nya ginusto na wag sabihin sa’yo. Natatakot lang siya. Nahihiya s’ya. Kahit sinong may ganung pinagdaanan ay pipiliin na wag na lang yun balikan.”

“She could have trusted me Manang. How could I protect her if she left me in the dark in all these.”

“Richard, nabanggit sa akin ni Maya na ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay nya. Palagi nyang sinasabi sa’kin na lahat ng madilim na nakaraan nila ni Luke ay nalimutan nya ng makilala ka nya. Siguro natakot si Maya na baka iwasan mo sya kapag nalaman mo yun totoo. Baka natakot siya na iwanan mo siya.”

“Manang, was she still uncertain of the love I showed her? Kulang ba yun? She didn’t trust the love I have for her? Mahal na mahal ko siya Manang. Mahal ko sila ni Luke.”

“Richard madaling sabihin yun pagtitiwala kasi hindi ikaw yun nasa sitwasyon ni Maya. Hindi ikaw yun nagkaroon ng asawa na akala nya ay proprotekta sa kanilang mag-ina ngunit yun pala ay siya pang mananakit sa kanila. Hindi ikaw yun nakaramdam ng sobrang takot at pag-aalala. Hindi ikaw yun nagtago sa bahay ng ilang buwan sa para lang di mahanap ni James. Mabait rin si James ng una silang magkakilala ni Maya. Hindi mo maaalis sa kanya na mahirapan sa pagtitiwala.”

“I’m sorry Manang. Hindi ko alam. I never realized how painful Maya’s past is. I didn’t know how to react when I saw the guy with her especially when Maya calmly told me that he was indeed her husband. I’m sorry Manang. Pero pinapangako ko, hahanapin ko sila. I love her and Luke more than my life. Hindi ko na hahayaang masaktan pa sila. I will protect them.” Richard bowed his head so ashamed of what he has done.

“Mahal na mahal ka ni Maya, Richard. Kapag nagmahal ang batang yan, iniisip nya palagi yun kapakanan ng iba, bago yun sarili nya. Iniisip nya na wag masaktan yun ibang tao. Handa nyang isakripisyo yun sarili nya alang-alang sa anak nya at sa yo na rin. Siguro inisip rin ni Maya na masasaktan ka kapag nalaman mong may asawa pa siya.”

Richard couldn’t say anything more. His mind is now filled with worry and hearing Manang Fe’s stories on how Maya and Luke suffered in the hands of James, he couldn’t help but be disturbed with possible scenarios filling his mind.

“Ang importante ngayon ay mahanap natin sila ni Luke bago pa mahuli ang lahat.”

“Opo Manang. I won’t stop until I get them back. Ibabalik ko sila ni Luke, Manang Fe. Pinapangako ko.” He promised as he hugged the woman who already became Maya and Luke’s family the moment she decided to stay with them and take care of them.

======================

Richard wasted no time. Together with Manang Fe, they went to Maya’s former house, the one he shared with James before only to find out that it is now owned by a different person. The new owner gave them James Ventura’s contact address and number, which turned out to be nonexistent anymore.

Rafi also arrived with her husband Charlie the day after. It was Ryan who informed her of what happened. Rafi had no choice but to tell Ryan about James and Maya.

Ryan also vowed to help when he found out the real story. He understood Maya for not telling Richard about her past. He also understood what Richard felt being left blind in all these.

But those are not important at the moment. Their main concern is to find Maya and Luke and ensure their safety.

====================

The five days of searching for their whereabouts thru common friends, business colleagues of James that Rafi knows, searching through social media links, searching in hotels, resorts and even hospitals, yielded no positive results. They were all frustrated and Richard’s worry on Maya and Luke’s condition intensified each passing minute, second.

He already reported it to the police and the NBI and they were all helping in locating Maya and Luke.

A week have passed and there were still no positive results.

James hid himself well.

He hid himself well not because he knew that someone would try to search for his wife and son. He was confident that no one would bother to search for Maya. He was sure that the phone call with Richard Lim would certainly hurt his ego and he would eventually stop pursuing Maya.

James was hiding because of his deep involvement in the illegal drug trade. He knows that he is on the watch list so he’s been roaming around using a different name which makes it even harder for Richard to find Maya.

=================

“Son, okay na si Nikki?” Esmeralda joined Richard while he was having coffee at their veranda.

Earlier that day, Richard had to return to their province to check on his daughter who was rushed to the hospital.

“Yes ma. Bukas iuuwi ko na sya. The doctor said that she ate something in their canteen which caused her stomachache.”

“Babalik ka sa hospital?”

“Yes ma. I just took a shower and changed my clothes. Kumuha na rin ng pamalit ni Nikki. Nagkape lang din muna para makahinga ng konti.”

His eyes conveyed sadness and his mom knows that aside from his daughter, Richard is worried of Maya and Luke.

“Ricky ano nang balita….”

“Wala pa rin Ma. This is so frustrating. What if I don’t find them? What if it’s too late? What if nasaktan na nya si Maya? What if?…”

“Ricky…” Esmeralda engulfed her son in her arms knowing very well that despite his stern and strong front, he also needs comfort right now.

Richard is a total mess. He even missed shaving, he had dark circles around his eyes and he lost weight.

He barely slept, barely ate. He spent most of his time visiting people whom he thinks could help him find Maya and Luke’s whereabouts.

Roberto joined his wife and son when he saw Esmeralda embracing Ricky. He was observing the two earlier.

“Son…”

Richard composed himself upon hearing his father. He immediately wiped his eyes. He couldn’t help but cry and pour out all his frustrations while being hugged by his mom. Esmeralda had always been his source of strength even before when Alex died.

Roberto also patted his son’s shoulder. He knows that the fear Ricky has for Maya and Luke is further aggravated by his guilt for not being able to protect them.

“Pa, gising pa kayo?”

“Yes. I was on the phone with General Ocampo. I already asked their help Ricky. Even the Immigration people had been alerted in case Maya, Luke and James Ventura shows up. Even the local ports and domestic airports had been given instructions as well. We will find them son. We will.”

Roberto Lim had contacts in the military having served the Navy during his younger years. He maintained ties with people who are now holding high positions in the Armed Forces. He sought for their help in locating Maya and Luke as well

Richard gave his dad a sad smile. He was thankful that his parents were always there to support him, to be by his side whenever something happens to him and his kids.

Just like when Alex died, Roberto and Esmeralda Lim had always been there for him. They were patient even when Richard seemed to have lost his will to live. They never gave up on him until the time Richard realized that he has his daughters to keep him going on.

Now with the fear of losing Maya and Luke as well, Richard will again draw strength from the pillars of his life.

===================

 

 

A/N : Pardon the errors. No time to edit. This is just a quick write while dumapo si inspiration to continue.

Stay My Love – 2

A/N  I know I promised to do Refuge but hirap ako na ituloy at the moment so eto na lang muna. 

Thanks for reading. I appreciate all your comments. Thank you for joining me relive our fave “Maya and SerChief”

==========================

It’s only 6 in the morning but the boarding house where Maya, Edz and Emman were staying was already filled with non-stop stories and laughter. They had a very special visitor that day.

“Grabe ang dami nyong kwento. Baka mahuli na kayo sa klase nyan. Basta Maya anak wag mong kaliligtaan yun gamot mo. Kahit na mahal yan, pipilitin ni Nanay at Tatay na bilhin yan kaya alagaan mo rin ang sarili mo. Kumain ng maayos at wag magpapagod. Mag-iingat palagi anak.”

“Si nanay naman birthday ko nagsesenti. Opo maingat po ako at umiinom ako ng gamot. Magaling naman po ako nay. Wag nang masyadong mag-alala. Aabot po ng maraming kaarawan ang anak ninyo.”

“Aba dapat lang Maya! Atsaka magiging nurse ka pa. Magkakaroon ng asawa at mga anak. Magkakaroon kami ng tatay mo ng marami apo.”

“Ay ‘nay advanced masyado? Naku wala pa sa isip ko yan. Kayo talaga. At opo magiging nurse ako at papatayuan ko kayo ni tatay ng magandang bahay at malaking restaurant. Si nanay palaging worried. Nakakaasar.”

“Kasi naman ‘nak napakalayo ng eskwelahan mo. Kung pwede lang eh dito na kami ng tatay mo titira para lang mabantayan at maalagaan ka namin.”

“Naku nay wag namang ganyan. Ayoko yun tinatrato akong parang lampa at mahina. Basta okay na okay ako. Wag kayong mag-alala atsaka ayan po sina Emman at Edz. Ang kukulit kaya nyan sa pag-aalaga sa akin. Wag nang mag-alala at malungkot nanay kong napakaganda na tulad ko.”

“Ikaw talaga Maya. Payakap na nga anak.”

It was Maya’s 18th birthday and Nanay Teresita visited her daughter at her boarding house in Manila. She does it every weekend but since it was her daughter’s birthday, Nanay Teresita showed up at the boarding house on a Thursday. She wanted to be with Maya on her special day. She also brought her allowance and her washed/ ironed school uniform and clothes. Teresita also does the weekly groceries with her daughter whenever she visits. Nanay also brings her daughter’s maintenance medicines for her heart. Maya has a weak heart and she already takes medicine daily to ensure that her heart would be okay.

“O Emman, Edzelyn kain na muna tayo ng almusal. May dala rin akong suman sa latik dyan na alam kong paborito nyo. Mamayang tanghali kakain tayo sa labas. San nyo ba gusto?”

“Jollibee!” Maya was quick to reply even before Emman and Edz voiced out their suggestion. The two would have preferred South Curves for Maya’s special occasion.

“Jollibee talaga ‘nak? Aba debut mo! Kahit na wala tayong bonggang party eh di naman ako papayag na fastfood ang pupuntahan natin. Ano yan kiddie party?”

“Nay naman. Sige na po. Atsaka healthy naman yun rice meals nila. Dun ko po gusto.” She argued. She didn’t want to miss seeing her crush especially on her birthday.

Edz and Emman hid their grin. They very well know that it’s Maya’s stalking day again. As much as they thought their friend was getting obsessed with the chinito guy, they didn’t want to spoil her birthday.

“Oh sya! Sige mamayang lunch dyan na lang tayo sa Jollibee pero mamayang gabi sa South Curves tayo. Aba di naman ako papayag na lumuwas ng Maynila para kumain lang sa fast food na meron din naman sa San Nicolas.”

“Thank you nanay! Love na love talaga kita.” Maya hugged her mom.

“O sige na pumasok na kayo at baka mahuli kayo sa klase. Eto may mga biskwit ako na galing San Nicolas. Baunin nyo.”

The three excitedly got the local delicacies from San Nicolas. They really love it whenever Nanay Teresita visits. Maalaga talaga siya, like Maya.

“Yehey! Love ka talaga namin Nay Tere!” Emman and Edz hugged their friend’s mom.

=====================

“Uy Maya okay lang yan. Baka may ibang ginawa lang siya or baka inutusan ng boss or baka may sakit.” Edz tried to appease her upset friend.

Yes the very reason why she wanted to stay at the fast food, the reason why she chose that particular seat like she always used to, the reason for her extra excitement on her birthday, didn’t show up. A different guy emerged from the hardware’s entrance when the truck of hardware materials arrived. Her heart sank and she hardly smiled as they finished lunch.

Well of course her mother’s visit is another story. She was always happy when her mother visits but her day would have been complete if she caught a glimpse of her crush.

======================================

“I should have ordered the flowers days ahead Manang.” Richard was still upset while driving on their way home.

“Ricardo kahit anong bulaklak yan basta galing sa’yo matutuwa si Maya. Roses nga ang favorite nya pero mas importante sa kanya yun nagbibigay. Mas importante ka. Masaya yun sigurado ako. At alam kong pagtatawanan ka nya kapag nakita nya ang hitsura mo. Masyado kang pikon dahil lang sa tulips ang naibigay mong bukaklak. Aba mas mahal kaya yun sa rose.”

“It’s not the cost Manang…”

“Ricardo, alam ko namang hindi yun bulaklak ang isyu mo. Taon taon, tuwing sasapit ang araw na to ganyan ka. Last year yun kotse yun kalaban mo, nung nakaraan yun hardinero, tapos nung mga lumipas na taon kung ano ano ang napapansin mo. Tama na anak. Nagpapahinga na si Maya. Panahon na rin naman para sumaya ka. Maraming taon na ang lumipas. Wag mo namang ipagkait sa sarili mo yun kaligayahan na maaari mong mahanap. Pakawalan mo na siya. Pakawalan mo na yun lungkot dyan puso mo.”

“Manang Fe I can’t. I refuse to. I cannot love and I cannot live my life. I just can’t. Not without her.”

Yes,18 years ago, Richard and Maya met an accident. Maya died in his arms and Richard never forgave himself. He refused to live from that day until now. It was only Manang Fe and their employees of who kept him going on.

But yes, he is living, without really ‘living’.

====================

Preview for the next chapter:

“Hindi pwede! Sa iba na lang. Nagbibilang ako ng tiles dito. Wag kang istorbo!” Then he turned his back on the lady whose doe-shaped eyes reminded him so much of his wife.

“Ang sungit! Mapagalitan ka sana ng boss mo.” Maya said as she left the hardware. She was obviously annoyed at how the chinito guy treated her.

“Ricardo ano yun? Bakit iritable ka na naman? Sino yung kausap mo?” Manang Fe came out of their inner office when she heard Richard raise his voice. Manang Fe wasn’t able to see Maya.

“Nobody Manang. Just a pesky teenager who wants to waste my time.”

 

PS: Idea came from the movie ‘Chances Are’

 

Stay My Love – 1

A/N Promise Safe Refuge yun susunod dito. May dumapo lang kasing idea so I did a quick write while in a secluded island somewhere in the Philippines😂😂😂😂

Para to sayo doc and the TT! 😂

=====================

“Maya halika na mahuhuli na tayo sa subject ni professor sungit.”

“Wait lang Edz, ganitong time dumadating yun deliveries sa hardware nya.” Maya was focused on the hardware shop just across their favorite fast food chain.

She and her friends Edz and Emman usually stay at the same spot every Thursdays and Fridays, the scheduled days for the weekly deliveries for the old RM hardware. The three friends would observe, stalk and gush over the good looking Chinese ‘kargador’ of the said hardware across the street whom they find very attractive.

“Haynaku Maya at talagang ginawa mo nang favorite pastime ang pagstalk dyan sa singkit na boy ng hardware na yan. Atsaka girl nakakahiya. Kanina pa tayo dito sa fast food eh isang large fries lang yun inorder nating tatlo tapos ilang basong free water na ang laman ng aking tummy. Nawiwiwi na ako! Tara na kasi!” Emman impatiently said.

“Emman magCR ka na muna dyan. Wag nga kayong makulit. Gusto nyo rin naman to eh! Atsaka tayong tatlo kaya ang may crush sa kanya.” Maya retorted without looking at her friends.

“Maya ten minutes na lang yun break oh maglalakad pa tayo papuntang school. Mahuhuli na tayo nyan eh. May orals pa naman today. Kapag tayo bumagsak kay Ms. Belmonte…”

“Ssshhhh!!! Ang ingay mo Edz! Ayan na yun truck ng semento. Lalabas na siya!!!!” Maya excitedly shrieked which caused the other customers to glance at their table.

Edz and Emman joined her as they gawked on the person they’ve been waiting for.

“Oh my gee Mayabels!!! Ang kisig kisig nya sa white vneck shirt nya!!!”

“Oo nga at kahit yun paa nya mukhang ang linis linis! Amputi Maya!”

They watched as the guy carried the bags of cement from the truck to the hardware.

“Grabe ang lakas lakas siguro nya. Ambigat kaya ng bag ng semento.” Emman commented.

“Atsaka mukhang mabango pa rin. Mukhang hindi man lang pinagpapawisan.” Si Edz naman.

“Ay edz naamoy mo? Grabe to!”

“Alam mo ang kontrabida mo talaga Emman! Atsaka mukha naman talagang mabango kahit nakawhite shirt lang sya.”

“Oh well true! Pero mas bet ko if aalisin nya yun white shirt nya, di ba? Hindi na siya mapapagod maglaba ng white shirts at of course maibibida nya ang kanyang body na I bet daig pa yun mga nag gygym.” Emman naughtily commented.

“Uy Maya halika na. Ubos na yun mga bag ng semento. Papasok na yan sa hardware at tayo ay dapat na rin pumasok ng school.”

“Wait lang!”

Then the object of their stalking glanced their way after signing what appeared to be a delivery receipt.

“Naku tumingin siya!!! At ngumiti sa akin ng pamatay na tabinging smile! Ang gwapo talaga!!!” Kilig na kilig si Maya.

“Huy ilusyunada! Hindi naman ikaw tinitingnan nun. Nagawi lang dito yun paningin sa’yo na nakatingin? Atsaka malamang malabo ang mata nun kasi nakasalamin di ba?”

“Ang kontrabida mo talaga Emman! Tara na nga! Sapat na sapat na yun baon kong kilig hanggang next week at di mo masisira ang araw ko Emman!”
Maya and her friends gathered their things and left the fast food chain to return to their school which is just a few blocks away from where they are.

====================

“Ricardo magpahinga ka na muna. Dapat kasi hinintay mo na si Lino para tulungan kang magkarga ng mga semento na yan.”

“Okay lang ako Manang. Atsaka nagpapagaling pa yun si Lino sa trangkaso nya.”

“O siya! Palitan mo na muna yang damit mo at nadumihan na. Kumain ka na rin dun. Nagdala ako ng paborito mong adobo.”

Richard hugged his Manang Fe. “Salamat po Manang. Di ko alam kung paano ako kung wala ka.”

“Naku binola mo pa ako. Sige na. Kain na dun at baka malipasan ka na naman ng gutom.”

================

As the three friends were now on their way home from school, they still couldn’t help but talk about the Chinese good looking guy at the hardware.

“Alam nyo girls nasasayangan ako dun kay gwapong chinito.”

“Huh? At bakit naman sayang ha Emman?”

“Kasi yun hitsura nya, artistahin at mabihisan lang siya ng maayos, my god daig pa nya yun mga nakakurbata sa Makati.”

“Ay true yan Emman. Atsaka may tindig! May confidence. Simple nga lang manamit at ganun lang yun trabaho nya.” Edz had this ‘panghihinayang’ look.

“Ano naman ang masama sa trabaho nya? Marangal naman yun kahit na boy or kargador lamang siya. Kayo talaga! Hindi masama kahit na janitor, kargador, driver or kahit na anong trabaho basta marangal.”

“Naku Mayabels umiral na naman yan pagiging ganyan mo! Alam naman namin yun kaya lang sayang ang kanyang looks. Ako I’m willing to offer for free my makeover services for cutie pie chinito guy! Pwede natin siyang bihisan at maaari siyang madiscover gaya ni Carrot Man or Gasoline Man.” Then Emman giggled. He was so excited with his idea.

“Ay masaya yan Emman. Bet ko din yan. Di ba Maya nakakatuwa if mapipilit natin si singkit na mahgbihis, magayos at magpose for a selfie. Tapos post natin sa Facebook, sa Instagram at sa Twitter. Masaya to!” Si Edz naman ay very excited sa idea.

Tawa naman ng tawa si Maya. Her friends are really silly.

“Dali isip tayo ng itatawag sa kanya if ever.”

Alternately the Emman and Edz blurted what suggestions they thought of.

“Semento man!”

“Pako man!”

“Alambre man!”

“Yero man!”

“Kahoy man!”

“Pintura man!”

“Gutter man!”

“Alulod man!”

“Tubo man!”

“Jalousie man!”

“Oy Maya ikaw naman magbigay ng suggestions mo. Ang kj mo!”

“Pangit naman ng suggestions nyo! Eto ang maganda… ‘Maya’s man!'” Then she laughed. Tuwang tuwa sya sa naisip nya while her two friends raised their brows at her.

“Haynaku Edz, wala na. Inangkin na ni Mayabels! O sya sayo na tutal need naman ng iyong weak heart ng magaalaga. Maghahanap na lang kami ni Edz ng sarili namin.”

“Kayo talaga! Ay pinagdiskitahan nyo na naman ang aking puso. Magaling na to no. Atsaka may gamot naman at healthy ang kinakain ko.”

“Healthy? Healthy na pala yun fries ngayon. Naku Maya kami ang malalagot kay Tita Teresita nito eh.”

“Kayo talaga! Mas nagaalala pa kayo sakin. Dali na Emman planuhan na natin yun ‘project chinito makeover’.”

Then the three resumed their happy bantering about the guy who’s unaware that he’s the favorite pastime of the three friends.

====================

“Richard mauna na kami pare.” Ryan said while patting his shoulder.

He just nod his head too anguished to reply.

“Chard get some rest. Maya is in a better place now.”

“Thank you Rafi.”

“Anak tayo na. Gumagabi na. Wala na yun lahat ng tao. Magpahinga ka na. Hindi pa magaling yun mga sugat mo.”

“Manang Fe…..”

“Ricardo halika na.”

Richard was only 22, his wife Maya was only 20.

They were on their way to have dinner at an expensive restaurant. Richard saved a part of his monthly salary just to be able to treat his wife to a very special dinner.

They would celebrating their first wedding anniversary when a drunk driver crashed head on to their newly bought car, the car which Richard strived so hard to buy. He wanted to make his wife comfortable. He wanted her to enjoy the life she would have experienced if she didn’t elope with him while she was still in college.

Her parents disowned her and it was only when they got married that her parents accepted their daughter again. Now they lost her and Richard couldn’t stop blaming himself.

 

===============

 

Happy story to. Don’t worry!