Stay My Love – 2

A/N  I know I promised to do Refuge but hirap ako na ituloy at the moment so eto na lang muna. 

Thanks for reading. I appreciate all your comments. Thank you for joining me relive our fave “Maya and SerChief”

==========================

It’s only 6 in the morning but the boarding house where Maya, Edz and Emman were staying was already filled with non-stop stories and laughter. They had a very special visitor that day.

“Grabe ang dami nyong kwento. Baka mahuli na kayo sa klase nyan. Basta Maya anak wag mong kaliligtaan yun gamot mo. Kahit na mahal yan, pipilitin ni Nanay at Tatay na bilhin yan kaya alagaan mo rin ang sarili mo. Kumain ng maayos at wag magpapagod. Mag-iingat palagi anak.”

“Si nanay naman birthday ko nagsesenti. Opo maingat po ako at umiinom ako ng gamot. Magaling naman po ako nay. Wag nang masyadong mag-alala. Aabot po ng maraming kaarawan ang anak ninyo.”

“Aba dapat lang Maya! Atsaka magiging nurse ka pa. Magkakaroon ng asawa at mga anak. Magkakaroon kami ng tatay mo ng marami apo.”

“Ay ‘nay advanced masyado? Naku wala pa sa isip ko yan. Kayo talaga. At opo magiging nurse ako at papatayuan ko kayo ni tatay ng magandang bahay at malaking restaurant. Si nanay palaging worried. Nakakaasar.”

“Kasi naman ‘nak napakalayo ng eskwelahan mo. Kung pwede lang eh dito na kami ng tatay mo titira para lang mabantayan at maalagaan ka namin.”

“Naku nay wag namang ganyan. Ayoko yun tinatrato akong parang lampa at mahina. Basta okay na okay ako. Wag kayong mag-alala atsaka ayan po sina Emman at Edz. Ang kukulit kaya nyan sa pag-aalaga sa akin. Wag nang mag-alala at malungkot nanay kong napakaganda na tulad ko.”

“Ikaw talaga Maya. Payakap na nga anak.”

It was Maya’s 18th birthday and Nanay Teresita visited her daughter at her boarding house in Manila. She does it every weekend but since it was her daughter’s birthday, Nanay Teresita showed up at the boarding house on a Thursday. She wanted to be with Maya on her special day. She also brought her allowance and her washed/ ironed school uniform and clothes. Teresita also does the weekly groceries with her daughter whenever she visits. Nanay also brings her daughter’s maintenance medicines for her heart. Maya has a weak heart and she already takes medicine daily to ensure that her heart would be okay.

“O Emman, Edzelyn kain na muna tayo ng almusal. May dala rin akong suman sa latik dyan na alam kong paborito nyo. Mamayang tanghali kakain tayo sa labas. San nyo ba gusto?”

“Jollibee!” Maya was quick to reply even before Emman and Edz voiced out their suggestion. The two would have preferred South Curves for Maya’s special occasion.

“Jollibee talaga ‘nak? Aba debut mo! Kahit na wala tayong bonggang party eh di naman ako papayag na fastfood ang pupuntahan natin. Ano yan kiddie party?”

“Nay naman. Sige na po. Atsaka healthy naman yun rice meals nila. Dun ko po gusto.” She argued. She didn’t want to miss seeing her crush especially on her birthday.

Edz and Emman hid their grin. They very well know that it’s Maya’s stalking day again. As much as they thought their friend was getting obsessed with the chinito guy, they didn’t want to spoil her birthday.

“Oh sya! Sige mamayang lunch dyan na lang tayo sa Jollibee pero mamayang gabi sa South Curves tayo. Aba di naman ako papayag na lumuwas ng Maynila para kumain lang sa fast food na meron din naman sa San Nicolas.”

“Thank you nanay! Love na love talaga kita.” Maya hugged her mom.

“O sige na pumasok na kayo at baka mahuli kayo sa klase. Eto may mga biskwit ako na galing San Nicolas. Baunin nyo.”

The three excitedly got the local delicacies from San Nicolas. They really love it whenever Nanay Teresita visits. Maalaga talaga siya, like Maya.

“Yehey! Love ka talaga namin Nay Tere!” Emman and Edz hugged their friend’s mom.

=====================

“Uy Maya okay lang yan. Baka may ibang ginawa lang siya or baka inutusan ng boss or baka may sakit.” Edz tried to appease her upset friend.

Yes the very reason why she wanted to stay at the fast food, the reason why she chose that particular seat like she always used to, the reason for her extra excitement on her birthday, didn’t show up. A different guy emerged from the hardware’s entrance when the truck of hardware materials arrived. Her heart sank and she hardly smiled as they finished lunch.

Well of course her mother’s visit is another story. She was always happy when her mother visits but her day would have been complete if she caught a glimpse of her crush.

======================================

“I should have ordered the flowers days ahead Manang.” Richard was still upset while driving on their way home.

“Ricardo kahit anong bulaklak yan basta galing sa’yo matutuwa si Maya. Roses nga ang favorite nya pero mas importante sa kanya yun nagbibigay. Mas importante ka. Masaya yun sigurado ako. At alam kong pagtatawanan ka nya kapag nakita nya ang hitsura mo. Masyado kang pikon dahil lang sa tulips ang naibigay mong bukaklak. Aba mas mahal kaya yun sa rose.”

“It’s not the cost Manang…”

“Ricardo, alam ko namang hindi yun bulaklak ang isyu mo. Taon taon, tuwing sasapit ang araw na to ganyan ka. Last year yun kotse yun kalaban mo, nung nakaraan yun hardinero, tapos nung mga lumipas na taon kung ano ano ang napapansin mo. Tama na anak. Nagpapahinga na si Maya. Panahon na rin naman para sumaya ka. Maraming taon na ang lumipas. Wag mo namang ipagkait sa sarili mo yun kaligayahan na maaari mong mahanap. Pakawalan mo na siya. Pakawalan mo na yun lungkot dyan puso mo.”

“Manang Fe I can’t. I refuse to. I cannot love and I cannot live my life. I just can’t. Not without her.”

Yes,18 years ago, Richard and Maya met an accident. Maya died in his arms and Richard never forgave himself. He refused to live from that day until now. It was only Manang Fe and their employees of who kept him going on.

But yes, he is living, without really ‘living’.

====================

Preview for the next chapter:

“Hindi pwede! Sa iba na lang. Nagbibilang ako ng tiles dito. Wag kang istorbo!” Then he turned his back on the lady whose doe-shaped eyes reminded him so much of his wife.

“Ang sungit! Mapagalitan ka sana ng boss mo.” Maya said as she left the hardware. She was obviously annoyed at how the chinito guy treated her.

“Ricardo ano yun? Bakit iritable ka na naman? Sino yung kausap mo?” Manang Fe came out of their inner office when she heard Richard raise his voice. Manang Fe wasn’t able to see Maya.

“Nobody Manang. Just a pesky teenager who wants to waste my time.”

 

PS: Idea came from the movie ‘Chances Are’

 

Advertisements

12 thoughts on “Stay My Love – 2”

  1. Hello Ms Timmy,thank you sa Update ng Stay,reincarnation yta ang mangyyri sa 2Maya at bakit d nttgan ni Richard si Maya,excited ako sa next update at walang to old kpag tumibok ang puso.
    Happy Friday Ms Timmy and thank you again at sorry sa kulit k at atat lang,take care always 😍😍😍

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s