Kwentong Maya & Ricky : Treat

Kwentong Maya & Ricky :  Treat

“Maya wag mong kakalimutang magpraktis pag-uwi mo ha.” Edz jokingly reminded Maya while she was about to get inside the car. Her Ser Chief, as usual, fetched her again.

“Naku Edz ikaw talaga.”

Then she waved goodbye to Edz and Joshua then entered the car.

“Good afternoon Ser Chief.” He gave him her napakasweet na smile.

Of course happy ang heart ni Ser Chief, all pagod at inis dahil sa traffic forgotten.

“Good afternoon Maya.” He also smiled at siyempre sumirko at nag acrobat din ang heart ni Maya. Alam nyo naman si Ser Chief, smile pa lang sobra sobra na.

“Merienda tayo Ser Chief, treat ko.” Maya offered.

“Sure. I won’t say no to that. Where do you want to eat?”

“Sa madadaanan na lang nating Jollibee Ser Chief, gusto ko kasing kumain ng spaghetti.”

Natawa siya. Parang bata si Maya.

“You really want that one? Aren’t the food there for kids?”

“Hindi naman pangbata lang yun Ser Chief. Masarap kaya yun atsaka bibilhan ko kasi si Abby. Nagpromise kasi ako na ibibili ko sya kapag may pera na ako. Eh Ser Chief may allowance naman yun training namin kaya may pera ako.”

“Maya you have to save that for yourself. Wag mo na akong ililibre at wag mo na rin bigyan si Abby.” He didn’t want her spending on them. He knows she needs the money.

“Ser Chief pagbigyan mo na ako. Atsaka ngayon lang naman.”

“Tsk…”

“Sige na kasi mamaya may hihingin akong favor.” She again smiled at him, shyly this time.

So she will be asking for a favor kaya siya manlilibre. Maya is so cute. She considers him as parang barkada na ililibre kapalit ng favor. Napasmile siya. Aliw.

“Pero Ser Chief, kung di ka lang busy. Naisip ko kasi Sabado bukas so baka pwede ka tonight. Pero kung busy ka Ser Chief okay lang…”

“I have all the time in the world for you Maya.” He interrupted her. Kinilig syempre si Maya sa statement ni Ser Chief.

They were like this until they reached the Jollibee fastfood. Maya held her Ser Chief’s arm kasi mukhang hesitant siyang pumasok. She dragged him. “Halika na Ser Chief.”

“Maya wait!”

But hila hila na siya ni Maya. She led him to an empty seat at the corner. “Dito ka lang. Ako na ang oorder. Anong gusto mo Ser Chief?” She asked him, excitement in her face. She seemed so happy to be able to treat him for merienda.

Ayaw naman nyang sirain yun mood ni Maya though he didn’t want her spending on him. “Kung anong kakainin mo, that’s what I’ll have na rin.” He knows that she’ll be having spaghetti so yun na rin sa kanya. At least it’s not that expensive.

“Sure ka ha?”

“Yes  Maya.”

Then she excitedly walked to order.

After a few minutes he saw Maya with a tray of two orders of spaghetti, rice, chicken, sundae, iced tea and Champ burgers. She also had spaghetti and burgers for take out for Abby, Luke and Nikki. She was assisted by a Jollibee staff in carrying everything she ordered.

He was surprised. Nanlaki ang singkit na eyes. “Maya ang dami naman nyan!”

“Eh Ser Chief di kasi ako nagbreakfast at lunch nang maayos kanina tapos grabe yun activities namin. Gutom talaga ako. Marami ba to?”

“Oo Maya sobrang dami. Parang kang yun mga  engineers kung magorder.”He wasn’t able to control his mouth. “Maya… I meant… ano…”

She was laughing. “Kala mo magtatampo ako sa sinabi mo Ser Chief? Hindi no! Atsaka totoo naman. Matakaw talaga ako kapag gutom at pagod at… kumportable ako sa kasama ko.”

He was relieved. Hindi naman pala galit si Maya. And she was comfortable with him. That line made him feel special.

“Let’s start? Nagutom rin ako sa mga inorder mo.” He managed to say.

So in that corner table of the famous fastfood chain, the crushmates shared stories of  how their day went. Amidst the noisy crowd of that , they were both able to drown the noise and only focus on what each other was saying. This was new for Ser Chief. He never had the chance to eat in this kind of place for when the kids would request it, he would decline and just have a take-out or drive-thru instead. He loved the experience. He loved especially that it’s with Maya.

“Kita mo Ser Chief naubos mo rin nga.” She was amused to see that her Ser Chief ate everything she ordered for him as well.

Nangiti si Ser Chief. “Di ko na namalayan. I enjoyed our conversations kasi. But thank you Maya. Nabusog ako. I bet I won’t be able to eat dinner and also breakfast tomorrow.” He joked. He really enjoyed.

“Naku lagot ka kay Manang Fe nyan Ser Chief. Ayaw na ayaw nun na di ka kumakain.” She teased him.

“Ikaw ang ituturo ko. You made me eat all these.”

They were enjoying a lot.

“Maya so what’s the favor you’ll ask me to do?” He remembered.

Namula si Maya all of a sudden. She covered her face.

“Naku nakakahiya Ser Chief.”

“Bakit? Ano nga? Gumastos ka to treat me tapos nahihiya ka to ask the favor.”

“Mamaya na sa kotse. Baka may makarinig dito.” Shy talaga siya.

Si Ricky naman ay kung ano – ano nang naughty kalokohan ang naiisip with Maya’s expression. Why would she blush like that nga naman if simple lang ang favor na hihingin nya. And why nakakahiya na marinig ng iba? Excited si Ricky.

“Ano nga?” he asked her again.

“Mamaya na nga kasi Ser Chief.”

“Fine. We better go tutal tapos na rin naman tayo.” He’s now excited of what he would do for her.

==================

Inside the car.

“So ano nga?”

“Eh wait lang Ser Chief. Ihahanda ko muna sarili ko bago ko sabihin.”

He’s getting impatient. “Ang dami mo naman pasakalye…”

“Kalma Ser Chief. Need ko rin munang kumalma kasi nakakahiya.”

He just smirked. Annoyed siya.

“Eto na. Sungit naman nito. “Kasi Ser Chief mag-aaral kaming magswimming. Kaso yun mga kasama ko marurunong na sila. Ako hind talaga. Naalala ko yung sinabi ni Manang Fe na sumasali ka sa swimming contests noon, kaya magpapaturo sana ako sa iyo. Atsaka may swimming pool sa bahay nyo. Doon na lang ako magpapaturo para pwede nating isama sina Abby. Yun. Okay lang ba sa inyo Ser Chief?”

Naku Maya could be really naïve. Okay na okay siyempre kay Ser Chief.

Namula si Ser Chief. Of course he’s a normal guy with normal hormones. Siyempre naexcite siya sa favor Maya is asking. At siyempre his mind brought him to imagine what he would be seeing kapag tinuruan nya si Maya magswim (hep hep hanggang swimming lang po ang imagination ha! Kapag sumobra doon, kayo na yun dear readers, hindi na si Ricardo at lalong hindi na rin ako).

“Uy Ser Chief okay lang?”

Napalunok si Richard. Nautal “Uhm.. o.oo. Sure Maya. Yun lang pala.”

Natuwa si Maya. “Thank you Ser Chief.” She even higged him. “Pag natuto ako hindi na ako kakantyawan nina Eds. Turuan mo ako ng iba’t ibang styles ha?”

“Su..sure…” He wasn’t able to recover yet lalo na at may hug pa. Comfortable na talaga sa kanya si Maya while sya naman getting uncomfortable na.

Maya noticed him. “Uy Ser Chief okay ka lang? Bakit namumula ka? Kahit yun tenga mo ang pula pula?” Naku talaga si Maya at tinanong pa.

“Nothing. Ganyan lang yan kapag nabusog sa treat.” Palusot nya.

“Ay ganun? Parang impatso?”

“Yes Maya. Impatso.”

She got worried. Dali dali naman kinuha yun sealed bottled water nya to give him.

And yes. He really needed it.

“Shall we go?” He asked her.

“Yes Ser Chief. Atsaka pwede bang humirit nang isa pa?”

“What is it Maya?”

“Pwede bang sa mansion ako matulog ngayong gabi? May dala na akong damit Ser Chief.” She was hiding her face. Nahihiya pa rin.

“Of course Maya. I would love, este Abby would love that.”

So with that famous smile plastered on his face and with that heart na kanina pa nagmamarathon sa tuwa, Ser Chief started driving towards the direction of the mansion.

Fiesta Ser Chief?

 

A/N : Treat – pwedeng yun Jollibee, pwede ring yun makikita ni Ricky sa swimming lessons, hahaha!

 

 

 

 

 

 

Advertisements

7 thoughts on “Kwentong Maya & Ricky : Treat”

  1. Thank you dreamytimmy sa nakakatuwang update today. Hala nagkahiyaan sila and then ang magcrushmates ay masayang masaya? Excited ako sa what will happen next…sana hwag mag ilagan pag swimming lessons na.

  2. waaaaaa tuwang tuwa ako….and my imagination is running wild!!! wala ba talaga kasunod? d ba talaga kaya ng powers mo ang ACTUAL SWIMMING LESSONS? wooooottttt wooott….ayan pampalakas loob para gawin mo na ang next epi neto hahahahahha!!! thanks Timmy!!! u have made my day again!!!! God bless!!! more more more

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s