Kwentong Maya & Ricky : Selos

Kwentong Maya & Ricky : Selos

“Ate Maya you’re back!” Nikki was squealing in delight when Maya entered the mansion.

“Kumusta ang flight Ate Maya?” It was Luke.

“I missed you po Ate Maya.” Abby said as she allowed herself to be engulfed in her Ate Maya’s arms.

Richard who was inside his home office heard her voice.

He was so happy.

He got excited.

He smiled. Yun smile na ear to ear.

Even his eyes were smiling.

His crushmate is back.

He hurriedly left what he’s doing to go to the living room where Maya is.

She saw him approaching.

Nagsmile siya.

Pademure.

Kilig.

Manang Fe saw it but she didn’t say anything. She already suspects that both Richard and Maya are fond of each other but she keeps her observation to herself. Ayaw naman nyang pangunahan yun dalawa.

Good thing that Doris and Sabel are really clueless and si Joma naman doesn’t mind these things.

“Maya how was your flight?” Was all he could say. Shy siya especially in front of his kids.

“Okay naman Ser Chief.” Shy din si Maya in front of his kids.

Nagkahiyaan sila. They just smiled at each other though gustong gusto na ni Ser Chief yakapin yun crush nya at gusto naman ni Maya na yakapin sya ng crush nya.

“Uy Maya asan na yun sinasabi mong pasalubong?” It was Sabel who broke the awkward silence of the two.

“Sabel! Nakakahiya kay Maya. Nagbakasyon lang yun tao sa San Nicolas hihingan mo pa ng pasalubong.” Pinagsabihan ni Manang Fe si Sabel.

“Manang Fe tumawag si Maya kanina at nagsabi siya na marami siyang dalang suman sa latik at mga souvenir items na pasalubong. Excited lang naman ako.” Sabel defended herself.

“Oo nga Manang. Atsaka alam naman naming hindi tayo matitiis nito ni Maya.” Si Doris naman.

Maya smiled. “Ay opo Manang may mga pasalubong po ako sa inyong lahat.” Then she got her big bag which she left near the door of the mansion when she was welcomed by everyone.

“Nikki, Luke, Abby eto may mga dala akong t-shirts para sa inyo. May pictures yan ng tourist spots sa San Nicolas. At eto may mga keychains din.”

“Oh m gee!!! Ang ganda Ate Maya. Thank you!” Then Nikki hugged her.

“Ate Maya alam na alam mo yun gusto ko.” Luke appreciated the shirt which had a picture of a guitar printed on it. He also gave Maya a tight hug.

“Ate Maya I love it po. Thank you.” Abby also hugged her. Si Abby naman binigyan nya ng shirt with ribbons na gustong gusto ni Abby.

“Eto naman sa inyo Manang Fe. Magagamit nyo po kasi to sa kwarto kapag giniginaw ka na sa aircon.” She gave Manang Fe a shawl she bought at the market in San Nicolas.

Manang Fe hugged Maya. “Naku Maya nag-abala ka pa talaga.”

“Eto naman sainyo Doris at Sabel.” She gave them bangles and wallets na souvenir items from her province. Tuwang tuwa din sina Sabel at Doris. They also hugged her.

Richard was just silently observing them, admiring the  thoughtfulness of Maya. He can’t help but smile.

“Eto rin para sa’yo Kuya Joma.” She handed Joma a mug with “i love san nicolas’ printed on it kasi mahilig uminom ng kape si Joma.

“Love mo talaga kaming lahat Maya. Halika nga pahug din.” Then of course hug din si Joma. Of course Maya hugged him back as well.

Medyo tumaas ng kilay ni Ser Chief sa nakita. Di naman siya napansin ni Maya.

“O eto naman ang suman sa latik para sa inyong lahat.” Then she handed Doris and Sabel the medium sixed bag filled with suman sa latik which her Nanay Teresita cooked for all of them.

Then tinupi na nya yun bag.

Empty na.

Walang laman.

Surprised si Ser Chief.

Super HOPIA siya.

Wala siyang pasalubong from Maya.

Hindi pa siya nabigyan ng chance to embrace her.

His mood turned sour.

Kung kanina happy yun expression ni Ser Chief, aba now it’s turning gloomy, tampo, hurt.

Then mas sumingkit pa ang chinky eyes ni Ser Chief, with matching smirk pa.  Kung yun curve ng mouth nya kanina ay pataas, ngayon pantay na. He’s already starting to get annoyed kasi sa lahat may pasalubong si Maya then sa kanya wala.

For him it meant that he’s not important. Maya didn’t even notice him while everyone was excited with her pasalubongs.

At ang pinaka kinaiinisan nya ay yung hug. He wanted to hug her talaga. He missed her in her two weeks stay in San Nicolas. Yes they were communicating thru text messages many times a day and thru calls every single night but it’s different when she’s physically in front of him. Hopia siya sa hug and he felt so bad.

Everyone was eating the suman sa latik while exchanging stories.  Richard was also with them but he barely said a word. Kumakain lang ng suman sa latik at kinakain ng selos sa lahat ng tao who got Maya’s attention.

This went on for a couple of hours hanggang gumabi na and Maya had to leave.

“Thanks Ate Maya. Balik ka sa Saturday ha! We have many kwento pa.” Nabitin si Nikki sa kwentuhan nila about San Nicolas.

“Opo Ate Maya you still have to teach me to make yun bracelet na ibibigay ko kay Joey.” It was Luke din.

“And Ate Maya you will still tell me the story about your visit to Nanay Teresita and Tatay Arturo’s most romantic place.”

“Oo naman gagawin natin lahat yan sa Sabado pagdalaw ko. Kayo talaga. Kaya miss na miss ko kayo eh.”

Then the three kids hugged her goodbye.

“Maya tuturuan mo rin kami ng pagluto ng suman sa latik ha.” It was Sabel.

Magsasalita pa sana si Doris when Richard interrupted in a loud voice. “That’s enough. Maya has to go home. Gabi na at may gagawin pa ako pakahatid ko sa kanya.”

“Ay Ser Chief wag nyo na akong ihatid.” Maya suggested. Ayaw nyang maabala si Ser Chief.

Volunteer naman ang Joma. “Ako na lang po Ser ang maghahatid kay Maya.”

Richard didn’t’ say anything. He just gave Maya and Joma a scary stare. Natahimik yun dalawa. Yun iba naman didn’t notice kasi they were still busy admiring the pasalubongs of Maya while still eating the remaining suman sa latik.

“Sabi ko nga, ikaw na Ser Chief maghahatid.” Maya said in a small voice kasi natakot na siya sa expression ni Serr Chief.

===============

Inside the car.

Richard remained quiet while driving.

“Ser Chief galit ka?”

Tahimik pa rin.

“Uy Ser Chief…” pangungulit ni Maya.

Richard was ignoring her.

“Nakakainis ka naman. Akala ko excited ka na dumating na ako.” Tampo ang Maya.

Richard parked his car. He faced her. “So ikaw pa yun may ganang mainis?” He couldn’t control himself.

“Kasi bakit ganyan ka Ser Chief?” Maya doesn’t know why sinusumpong ng kasungitan si Ser Chief nya.

“Hindi mo talaga alam?”

“Hindi ako magtatanong kung alam ko.” Pamimilosopo ni Maya.

Richard was trying his best to control his temper.

He needs to tell her why he’s acting this way. He wants her to know na nasaktan sya.

“I was excited na dumating ka. I can’t even stop smiling when I saw you kanina. Tapos sila lang yun pinansin mo. You’ve been ignoring me.” Kunot yun noo nya.

Si Maya naman just stared at him, surprised na nagtatampo pala si Ser Chief. Dense din ang Maya.

Richard added, kahit nahihiya sya to tell her, he knows he must. “Then lahat sila naalala mo, lahat sila may pasalubong. It’s not that I wanted a pasalubong from you pero lahat sila meron then ako ni isang maliit na keychain wala. Nafeel ko tuloy that I’m not important. Then ang pinakanakakaasar is you hugged all of them even si Joma, tapos ako wala. That’s unacceptable.”  Sobrang sad ng face ni Ser Chief.

Natawa si Maya. But naawa rin. And kinilig. Her Ser Chief looks so cute with his face. Nagselos si Ser Chief nya at kilig na kilig si Maya. She felt so giddy.  She can’t help but smile with her doe-shaped eyes staring at her Ser Chief. She had her smile plastered on her face. Natatawa siya.

“Now you’re even laughing at me.”

“Kasi ang cute mo. Atsaka sinong may sabing wala akong pasalubong sa’yo. Syempre meron. Ikaw pa! Ikaw nga ang may pinakaespesyal na pasalubong from San Nicolas.”

“Yeah right. I bet kukuha ka lang ng isang item na supposedly for Emman or Edz then you’ll pretend that it’s for me.”

“Ay grabe ka Ser Chief hindi no! Sige wait lang.” Then she fished for something inside her luggage. “Dapat mamaya ko to ibibigay sa’yo pagdating natin ng condo kasi yayayain sana kitang magcoffee. Dun ko sana ibibigay. Kaso tampururot ka eh so eto. Pinagawa ko yan Ser Chief. Pasadya yan. Nageffort ako.” Inside the box were identical bracelets with carved letters. Maganda yun bracelet. It was actually expensive at pinag-ipunan talaga ni Maya.

Hala si Ser Chief naman ang nakonsensya when he saw the bracelets. “Maya I’m just kidding. Hindi naman importante ang pasalubong. Just to see you and be with you is enough.”

“Sayo talaga yan Ser Chief. Tig-isa tayo. Pinasadya ko yan.” Then kinilig sya sa sinabi nya. “Hindi mo naman kailangan isuot pero masaya na ako na isipin na pareho tayong may ganito.” She was smiling sweetly at him.

He smiled na. Kinilig na rin. “Parang couple bracelets?” He teased her.

Nagblush si Maya. Nahiya. In a small voice, while hiding her face “Oo, couple bracelets natin.” Then cover ulit ng face, sobrang kilig sa pinagagawa nya.

He shook his head. Natatawa na rin at kilig as well. But he needs to slow down or baka matunaw silang pareho sa kilig. “Eh ano naman ang initials na to? Hindi ko naman yan initials?” He saw ‘MSC’ in his bracelet.

Nagtago ulit ng face si Maya. “Wag na Ser Chief.”

“Ano nga?” Pangungulit ni Ser Chief.

“Yun MSC ibig sabihin ay Masungit na Ser Chief.” Then she giggled.

“Maya!” He pretended to be galit again.

“Biro lang. Ibig sabihin nyan ay ‘Maya’s Ser Chief.” Then cover na talaga siya ng face. Hiyang hiya siya.

“Eh ano naman etong sa bracelet mo na ‘SCM’?” He asked while amused at her expression.

Still covering her face.. “Ano…’Ser Chief’s Maya’! Eeehhh  nakakahiya!”

He laughed. He loved her innocence, her humor and simplicity. She was indeed a breath of fresh air he was so blessed to meet.

“I love that. You’re indeed my Maya. Halika nga. I deserve that hug sa paghurt mo ng feelings ko kanina.” Then he engulfed her in an embrace which she readily accepted. “Thank you for the pasalubong Maya. I will wear it. Masaya ako that nandito ka na ulit sa Manila. You just don’t know how much I’ve missed you.”

“Ako din Ser Chief. Namiss din kita. Sobra.”

“Let’s go?” He disengaged from the 2 minute hug.

“Sige Ser Chief.” She answered while hiding her flustered face.

Then with smiles on both faces, couple bracelets in each wrist, the crushmates continued their trip to Maya’s home.

===========

A/N Ang orte orte ng crushmates na to. Hahaha!

 

 

Advertisements

10 thoughts on “Kwentong Maya & Ricky : Selos”

  1. Thank you dreamytimmy sa nakakakilig na short story. Ayon ako sa sabi ni gloriaj tungkol sa magcrushmates at nakita natin na maramdamin din itong si Ser Chief. Ayaw nyang maleleft out lalo pa kung yun ay si Maya. Cheers.

  2. Wow! Kilig overload naman ‘to Ms. Timmy! With the way they act towards each other, “crushmates” ? Definitely an understatement. Can’t wait for the next ‘kilig’ chapter! Thank you Ms. Timmy!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s