The Adventures and Misadventures of Ricky, Maya and the FAs : Scentsation

Nasa waiting lounge ng Time Airways si Maya. She is waiting for their flight.

Dumating sina Edz, Joshua and Wilson who seemed to be engrossed in their conversation at hindi nila napansin si Maya.

“Mabango ba talaga yan Josh?”

“Oo nga Edz. Tapos kapag bumili ka ng anim, may libre ka pa na isang bote.”

“Tama Edz. Effective yan para mapansin ka na ni Simon.”

Tawanan sila.

“Tumigil nga kayo. Hindi ko kailangan yan para mapansin ni Simon no?”

“Weh! Kung hindi eh bakit parang hindi umaabante ang love story nyo? Parang nakapark lang sa terminal?”

“Ssshhh wag nga kayo. Atsaka marinig nga tayo ni Maya. Nakakahiya. Best friend pa naman niya si Simon.”

“Kaya naman pala mabagal at conservative kasi best friend ni Maya.” Wilson chuckled.

“Kayong dalawa talaga. Buti nga tulog si Maya.”

“Laging ngang antok si Maya.”said Wilson.

“Busy kasi in the evenings with Mr. Lim.”

“Kayo ang pipilyo nyo.”

“Bakit naman eh di ba may twins sila kaya for sure nakakapuyat yun. Ikaw Edz ha, ang naughty ng iniisip mo.” Joshua grinned.

“Tseh! Nakakaasar talaga kayong dalawa. Ang tagal naman kasi ni Ruby.”

“Oh ano Edz? Order ka na para may pang regalo ka na this Christmas dun sa mga kabarkada mo. Makakatipid ka at super mamahalin ka ng pagbibigyan mo.”

“Pagiisipan ko nga muna. Magkano nga Josh pag 6 bottles?”

“P1,200 .00 lang Edz tapos may libre pang isa. May free gift bag din. Basta bagay for couples yun perfume. I assure you.”

Unknown to the three, Maya was listening to them and mentally computing in her mind.

Problemado na rin kasi siya and she has no time to do her Christmas shopping na hindi kasama si Ricky at mga bata.

For her, parang solution to her problem yun binebenta ni Josh atsaka for sure hindi eto common kasi wala sa market. It means mas personalized, mas may personal touch.

===============

That afternoon after their flight, pasimple si Maya na lumapit kay Josh.

She doesn’t want kasi to be branded as mahilig bumili ng kung ano ano. Atsaka kuripot rin talaga si Maya, actually mas thrifty pa siya kay Ricky.

“Josh, eh papatulong sana ako ng gift ideas.”

Pasakalye pa siya. She doesn’t want Josh to know na nakinig siya sa usapan nila ni Edz at Wilson kaninang umaga.

“Para kanino Maya? Anong ocassion?”

“Ah eh… Christmas gift para sa friends. Baka naman may alam ka. Ayoko na kasing pumunta ng mall kasi wala na akong time.”

“Mag-online purchase ka na lang. Mas hassle-free at madaming choices.

“Mahirap yun Josh kasi mahirap itago sa bahay. Malalaman nila lalo na pag idineliver na doon.”

“Eh Maya yun mall dyan malapit sa Time Airways may magagandang shops daw with gift ideas.”

Naaasar na siya kay Josh. Gusto nya yun perfume na binebenta nito kay Edz kanina. Nacompute na niya at naplano na rin kung sino ang mga pagbibigyan niya.

“Eh mga beauty products sana ang gusto ko, pwedeng lotion or cologne or perfume… mga ganun, pero yun hindi naman masyadong mahal kasi marami akong pagbibigyan. Yun pang maramihan.”

“Ah eh Maya wala naman akong…..”

Biglang dumating si Ruby.

“Oy Joshua, ibabalik ko na itong inorder ko na perfume. Nakabili na pala yun sister ko ng pang bridal shower gift nya.”

Grab the chance si Mayabels.

“Ay ako na lang bibili nyan Ruby.”

Hindi lang yun chance ang grabbed nya but also the bag with the perfumes. Hindi na nga nahawakan ni Josh kasi kinuha na agad ni Maya much to the surprise of Josh and Ruby.

“Eto ang bayad. Kukunin ko na lang yun sukli sa susunod na flight natin.”

She gave 1,500 kay Josh at dali-daling umalis. She didn’t give the exact amount kasi mahahalata na may alam na siya. Nagmadàli rin siya kasi baka bawiin pa yun perfumes.

“Lagot ka nyan Josh!”, said Ruby.

Napakamot na lang ng ulo nya si Josh.

================

Upon arrival in their home, Maya immediately went to their bedroom. Ricky hasn’t arrived yet so she still has the time to check the perfumes she bought.

Impressive yun bottles and also the gift bags that comes with it. Mababango rin ito. Bagay na bagay for the close friends and her family na pagreregaluhan nya.

She checked the scents of each bottle and decided that she will give them to Rafi, Ivy, Kute, Nanay Teresita, Mama Esmeralda. The remaining 2 bottles are for men so she decided to give one to Emman and also give Ricky the remaining piece. She already bought a gift for Ricky pero nakulangan siya so she decided to include a bottle of perfume too. She smelled it and was sure that it would smell good on her husband.

================

7 days after, it was Christmas already. The whole Lim household were happily opening their gifts.

Doña Esmeralda, Don Roberto came to spend Christmas with them.

The Dela Rosas weren’t able to visit. Being the holiday season, the Chibugan and Dampa had lots of customers and they have to oversee the operations of the business.

Maya already sent them their gifts, days before Christmas.

In the Lim mansion, after opening their gifts, everyone enjoyed the food prepared by Sabel and Manang Fe.

=================

It was already late and everyone was tired from the celebration.

Luke, Nikki, Abby, Sky and Sunshine were already sleeping.

Doña Esmeralda and Don Roberto actually slept earlier than everyone else. They were tired from playing with the twins.

Joma was sharing then room with their visitor, Mang Anastacio. Manang Fe, Leah, Sabel and Doris were already sleeping soundly.

But in the quiet of night while everyone was sleeping, Ricky and Maya were doing things that kept them wide awake.

It was actually Maya who was aggressively attacking her husband much to Ricky’s delight.

After almost two hours of action, Maya finally got tired and drifted to sleep. Ricky went to dreamland very satisfied. He didn’t know what got into his wife but he wasn’t complaining at all. He hopes that this won’t be the only night his wife is extra adventurous in bed.

===========

The following morning, Maya woke up to find some flowers by her bedside. Ricky has a note too.

“Good morning sweetheart. I love you so much. Thank you for the wonderful Christmas gift last night. I’ll be coming home for dinner.”

Maya blushed upon remembering what they did, or she did last night. She couldn’t understand where she got the courage to do it. She just wanted her husband last night. Nanggigil siya at di nakapagpigil kay Ricky without knowing why.

She called her husband.

“Good morning sweetheart. Slept well?”

“Good morning din sweetheart. Mahimbing yun tulog ko. Bakit di mo man lang ako ginising?”

“After last night, I am sure you are tired.”

He chuckled. Nagblush si Maya. Nahiya siya.

“Wag ka nga sweetheart… nakakahiya!”

“Why? Are you still shy? Ako lang naman kausap mo. Atsaka…”

“Ricky naman…” , she said in softly.

Ricky smiled at the other line. This is one thing he loves about Maya. Though they’re already married, she remained shy and timid.

Sometimes she tries to be coy and be playful but that’s just it. She doesn’t realize that she is really sexy, alluring and she makes him very happy especially when they are in the confines of their bedroom or rather under their blanket.

He is just so blessed to have this wonderful woman as his wife.

“Sweetheart you don’t have to be shy. Alam mo after last night I felt na mas gwapo at attractive ako ngayon.”

“Talaga?”

“Uh hmm… kasi sabi ng mga tao dito sa office. Naririnig ko yun mga bulungan nila. Even yun visitors namin sa party they were all staring. Parang hindi normal yun tingin nila. Siguro this is because of what you did to me last night. Ikaw sweetheart ha! Iba ang effect mo sakin.”

He was teasing her.

“Tumigil ka nga Ricky!”

“O sige. I have to end this call now. We are about to start the party here at LAS. I love you sweetheart.”

“I love you more.”

============

Kute was calling Maya.

“Hi Kute. Merry Christmas sa pinakamaganda kong kapatid.”

“Tseh! Tumigil ka nga at kinikilabutan na nga ako dito.”

“O bakit?”

“Kasi si tatay buntot ng buntot kay nanay. Nilalambing at kinukulit nya. Nakakaasiwa bunso.”

“Naku naman Kute kontrabida ka talaga sa love life nila Nanay.”

“Ang sa akin lang naman bunso eh okay lang naman na lambingin nya si Nanay pero wag naman sa harap ng mga customers natin.”

“Ha!? Sa harap ng mga tao?”

“Oo nga Maya at hindi lang lambing na wholesome ha! Medyo wild na eh… yun konti na lang for spg na!”

“Kute!!!! Ang oa mo ha! Atsaka si tatay at nanay kaya yun. Imposible yang sinasabi mo.”

“Ay bahala ka nga bunso kung ayaw mong maniwala. Ewan ko ba at umiba yun aura ni nanay. Alam mo maraming bumabati sa kanya kanina. Napakaganda daw kaya ata lumevel up si tatay.”

================

On the way to the play area of the twins at the garden, nasalubong ni Maya si Doña Esmeralda.

“Good morning po Ma. Kumain na po kayo?”

“Ah yes dear. Sinabayan namin ni Papa nyo Ricky kanina.”

“Makikipaglaro po kayo sa kambal?”

“Oo Maya kasi ang kulit ni Papa nyo. Ewan ko dun, kagabi pa nangangalabit, oh my God, I don’t know what’s gotten into him.”

“Baka naman naglalambing lang Ma.”

“Ay naku Maya, wala ako sa mood. I was tired. Ang kulit kulit.”

Then biglang nagsalita si Mang Anastacio na nandun din sa may play area.

“Magandang umaga Dona Esmeralda. Naguumapaw ang inyong kagandahang taglay ngayong umaga.”

Natawa si Maya pati na rin si Joma.

“Naku Anastacio, kay Fe mo yan sabihin at baka magselos yun. Sige na nga at makikipaglaro ako sa kambal.”

================

Meanwhile at the LAS party, both Ivy and Ryan were wearing dark shades at the party.

“O brod why don’t you remove those eh nasa loob na rin naman kayo?”

“Kasi brod napuyat kami ni misis kagabi.”

Ryan’s wife Ivy was busy mingling with the other visitors at the LAS party.

Ricky chuckled. He remembered na sila din ni Maya puyat kagabi but since he’s wearing his glasses di ito masyadong halata.

===============

While the LAS party was held during lunch, Time Airways Christmas party was held that evening naman.

Both Maya and Ricky were in attendance.

Maya felt so proud beside her very handsome husband who had most women in the party swooning over him.

She has a jealous nature but this time, the prevailing feeling was pride. It also helped that Ricky was dense and unaware or rather ignoring all the attention directed at him.

Maya was giddily clinging to her husband’s biceps. She was smiling the whole time. Ricky of course enjoyed his wife’s extra sweetness that night.

All of a sudden Emman appeared and dragged Maya in a corner where no one can hear them. Nagexcuse naman siya kay Ricky.

“Oy Mayabels you are very naughty ha!”

“Ha! Bakit naman Emman?”

“Aysus, pretending not to know pa. Naku Mayabels pwede ba wag mo akong papakitaan ng patay-malisya mode mo na yan. Ako to no! ”

“Emman ano ba kasi ang pinagsasabi mo?”

Then biglang inilabas ni Emman yun iniregalo sa kanyang perfume ni Maya.

“Eto! Wag kang magdedeny. O Bakit ka mo ako niregaluhan nyan? Naku Maya, mabuti na lang nakita ni Edz. Ikaw ha! Naku if I used that mahaharass ang beauty ko. Ang dami pa namang boys dito sa party. You naughty naughty girl.”

“Emman binili ko yan kay Josh. Perfume yan.”

“Oo nga kay Josh ito nabibili. This is an aphrodisiac perfume. Bakit mo ako reregaluhan ng ganito, aber?”

“Ha! Naku Emman! Hindi ko alam. Hala Patay!”

Biglang super worried si Maya. Emman noticed it.

“Naku roomie don’t tell me na akala mo simple perfume lang to?”

“Oo Emman, akala ko perfume lang yan. Naku pano to?”

“Don’t worry Mayabels, hindi naman ako galit at di ko naman ginamit. I’ll use this na lang sa bridal shower ni Mary Faith next year.”

“Hindi ikaw Emman yun pinoproblema ko. Yung mga ibang naregaluhan ko… Naku!”

“May iba ka pang nabigyan?”

“Oo.. Si mama, si nanay, si Kute, si Rafi, yun asawa ni Atty Ryan, si Ricky….”

At that very moment she glanced at her husband and saw women at his table, all flirtatiously vying for his attention.

Alarm bells rang in her head. If her fondness and very strong attraction towards her husband for the past days was a manifestation of the effects of the perfume, dapat talagang maalarm siya.

Ricky was still swarmed by ladies buti na lang suplado talaga siya at hindi basta basta namamansin.

Maya saw Josh sharing jokes with the other FAs.

She approached him, then dragged him away from the group.

“Maya bakit?”

“Josh naman eh. Bakit di mo sinabi na gayuma pala yun pinagbili mo sakin!”

“Excuse me Maya! Hindi gayuma yun! Its an aphrodisiac.”

“Parehas lang yun. Bakit di mo sinabi? Nakakaasar ka naman Josh.”

“Maya hindi ko pinagbili sa’yo. Ikaw kaya ang nagpumilit. Inagaw mo lang nga eh.”

“Kahit na. Sana sinabihan mo man lang ako. Naku nakakahiya. Ipinangregalo ko pa naman yun. Nakakaasar ka talaga Joshua!”

“Ganito na lang Maya. Bawiin mo na lang. Sabihin mo pina-recall ng BFAD yun product. Ayun abswelto ka.”

“Pa’no ko naman yun magagawa Josh eh naibigay ko na at malamang ginamit na nila!”

She was worried now. Hiya din siya sa mga naregaluhan nya.

“Maya ang solution diyan is maligo para maalis yun effects ng perfume. Paliguin mo na lang sila.”

“Josh, pano ko naman sasabihin sa kanila na maligo kayo kasi aphrodisiac yun niregalo ko. Naku nakakahiya!”

“Maya ikaw kasi yun mapilit eh.”

Emman was just listening to them. Natatawa siya kay roomie Maya niya.

“O sige na Maya. Puntahan ko na sina Wilson. Yun na lang sinabi ko ang gawin mo. Temporary lang naman ang effect ng perfume eh.”

Tawang tawa si Emman sa hitsura ni Maya who was very much upset.

“Naku Mayabels gawin mo na lang yun sinabi ni Joshua tutal friends and family lang naman yun nabigyan mo. They will understand.”

Tawa pa rin ng tawa si Emman.

“Emman ayoko. Nakakahiya sa kanila lalo na kay Ricky. Ang dami ko nang kapalpakan sa kanila ni Atty Ryan. Sobrang nakakahiya na Emman.”

“Eh roomie, wala kang magagawa kundi face them or well pwede mo namang hayaan na lang. It will work to their advantage naman eh.”

“Anong advantage dun Emman ?”

“I mean mas magiging extra sweet yun partners nila. O di ba bongga! You would even be instrumental sa pag spice up sa love life nila.”

“Ewan ko sa’yo Emman!”

“Pero roomie nakakacurious din. Effective kaya yun perfume? Si Edz kasi OA yun reaction ng nakita nya eh. Hmmm I’m wondering tuloy. San naman kaya ni Joshua nakuha ang mga yun?”

While Emman was talking, Maya’s mind was on what Kute said about their nanay and tatay, what her Mama Esmeralda said about Papa Roberto and what she did to Ricky. She blushed at the thought.

“Oy roomie! Hello! Bakit spaced out ka dyan?”

“Naku Emman, mukhang effective kasi si Kute tumawag na oa na daw si tatay sa paglambing kay nanay. Si mama ni Ricky nagrereklamo na kinukulit siya ni papa. Emman…”

“Okay lang yan Maya atsaka baka hanggang ganun lang yun effect nun. Hindi mo naman alam yun extent ng effects eh. Hayaan mo na. O kaya let your dear hubby try it on. Oh well kahit hindi naman gumamit ng ganun si Ser Chief Ricky eh irresistible naman talaga siya…”

Namumula si Maya….

“Oh my God roomie! Don’t tell me na kaya super kapit ka sa biceps ni hubby mo eh dahil you find it hard to control yourself? Gumamit siya nun? Hala ka Maya!”

“Ssshhhh Emman!”

=============

That evening in their bedroom, pigil na pigil si Maya kahit nanggigigil na siya kay Ricky. Alam nya na effect lang eto ng perfume.

Ricky entered the bathroom. Nakahinga si Maya knowing that her husband will take a bath and definitely wash the traces of the perfume.

Ngunit lumabas si Ricky na naghilamos lang at nagpalit ng pajama.

“Hindi ka naligo Sweetheart?”

“No. I took a bath before we went to the party di ba? I’m sleepy na rin so bukas na lang. Why?”

“Naku sweetheart ang dami nating nakasalamuha sa party so dapat maligo ka.”

“No. I won’t. Pagod na ako sweetheart. Let’s sleep na.”

“Ricky naman eh.”

Maya wasn’t thinking anymore. All she wanted was to remove any trace of perfume from her husbands body so she dragged her husband inside the bathroom.

Nagulat si Ricky.

Maya hurriedly stripped him of his pajamas. She wasn’t aware of the effect of what she’s doing to Ricky.

She opened the shower, lathered the washcloth with soap and rapidly rubbed her husband’s already heated body.

But even if Ricky attempts to do what he wanted, his wife was so focused in cleaning him that she didn’t notice how aroused Ricky was. He didn’t know what got into her to do it.

After rinsing him, Maya wiped him dry and gave him the robe, towel and pajamas.

Then she hurriedly went out of the bathroom leaving Ricky.

Ricky excitedly changed into his pajamas. He was anticipating another special night with his wife.

Maya had been acting strange since last night. Her giving him a bath tonight made him think that she was preparing for another night of action which got him very excited.

But when he entered their bedroom Maya was nowhere in sight.

He saw her at the veranda talking to someone on her phone. He unintentionally heard the conversation.

“Okay na Emman. Oo na natanggal na yun kay Ricky kasi sinabon ko talaga.”

“Oh my gee Mayabels, my innocent ears!”

“Tumigil ka nga dyan Emman. At least makakatulog na ako ng mahimbing at hindi magaalala kung ano ang gagawin ko kay Ricky.”

“Naku!!! At anong nagawa mo kay Ser Chief Ricky?”

“Ay naku Emman hinding hindi ko sasabihin sayo kung ano man ang ginawa ko kay Ricky. Tsismoso to.”

“Excuse me. Ikaw kaya ang tumawag ang nagumpisang magkwento. I’m just a willing listener. Oh so ano ang sabi ni hubby?”

“Wala naman. Di naman nya alam na aphrodisiac yun nairegalo ko sakanya.”

“So di mo na sasabihin?”

“Hindi na Emman. Nakakahiya kaya. Pagtatawanan ako nun.”

He heard it. So Maya acted that way because of the perfume she gave him which he tried last night. It must be really effective for his wife to be extra aggressive in attacking him last night.

Maybe it was also the reason why people at the LAS and Time Airways Christmas party were giving him extra attention which actually made him feel uncomfortable.

Bu he loved that perfume. It worked to his advantage.

He was smiling while Maya was still talking to Emman.

“Basta Emman, mamaya pagtulog ni Ricky papalitan ko yung laman ng perfume bottle.”

“Naku malalaman nya yun kasi siyempre iba na yun amoy.”

“Ay okay lang basta wag lang nyang magamit yun. Naku baka iharass ng ibang girls si Ricky, kawawa naman.”

“Sus takot ka lang na lapitan si hubby ng ibang girls. Nagseselos ka no?”

“Of course not. Di ako nagseselos. Atsaka I trust Ricky. Alam kong kahit lapitan siya ng iba, she won’t even spare them a glance.”

“Wow confident masyado. O asan na si hubby at kanina ka pa nakikipagkwentuhan sakin?”

“Nasa kwarto siya Emman. Baka nanonood ng TV. O siya goodnight na. I’ll check the kids pa tapos matutulog na ako ng mahimbing.”

Unknown to Maya, nailipat na ni Ricky yun laman ng bote sa ibang lalagyan. He didn’t want the idea of throwing the contents of the perfume which made him a very happy man last night. No way!

Siyempre he will still use it without Maya’s knowledge. Hindi naman yun mahahalata ni sweetheart nya. He smiled naughtily at his thoughts.

He loves Maya and he never complains on what she willingly gives during those under-the-putting-kumot moments they have. Kaya lang under the kumot lagi, meaning Maya has always been shy and hesistant to explore.

He’s not complaining but a little more action on Maya’s part would be accepted with open arms. Oh how he remembered that night again!

That’s where he needs this little bottle. It awakened the sensual side of Maya and him being on the receiving end is a very happy man.

==============

Morning came. Maya left very early for her 4 am flight to London. Joma brought her to the airport. She didn’t want to disturb Ricky for he is set to have a very busy day. The investors of LAS are coming over and he needs to concentrate on them. He needs as much rest he can get.

Ricky was now preparing to go to the office. He can’t call Maya yet for she’s still on her flight.

He opened his drawer to get his watch.

Something is missing! The bottle he kept last night was missing!

He searched for it – in his closet, his jeans pocket, the bathroom, in Maya’s closet, the medicine cabinet…. all over but couldn’t find it.

Sumasakit na ang ulo nya. That bottle is very important. He hates himself for misplacing it. Baka mapunta sa iba. Hindi pwede!

With a very unpleasant mood he left for work.

==================

Ricky couldn’t concentrate the whole day. He was lucky that the investors were more interested in visiting places in the area so he just asked Liza, Ryan and Sonny to accompany them. He told them that he has migraine. They believed him.

Around 6 pm he was in his home office.

Maya called.

“Hello Sweetheart! Nasa bahay ka na? Yun mga bata? Naghapunan na kayo? Kumusta sa office? Si Luke at Nikki natuloy ba yun party sa bahay ni Nicolo? Si Abby nagpaalam yun na pupunta kina Lance, pinayagan ko na yun sweetheart, ikaw na lang yun hinihintay.
Dumating yun mga bisita sa LAS?”

Ang dami ng sinabi ni Maya pero tulala si Ricky. He couldn’t understand anything coz he suddenly missed her so much all of a sudden and wanted nothing but to be with her.

“Sweetheart nandyan ka pa? Huy bakit wala kang imik dyan.”

“I miss you so much sweetheart. I want to embrace you. I want to kiss you..”

“Ay ang OA mo sweetheart, hihihi!”

“No I’m not. Uwi ka na!”

“Ikaw talaga! Kakarating ko lang dito. At syanga pala sweetheart, anong gusto mong pasalubong?”

“Ikaw.”

“Tigilan mo nga ako, Ricky. Ang naughty mo talaga! Sabi ni Edz sale daw yun isang perfume shop. Anong scent ang gusto mo? Atsaka kailangan kong palitan yun kinuha ko sa drawer mo kanina. Naubusan kasi ako. E wala akong magamit kaya yun sayo na lang kinuha ko. Para na rin lagi kitang naaamoy, hihihi!”

Nanlaki ang mata ni Ricky.

Maya continued…

“Kaso sweetheart bakit parang wala akong maamoy. Siguro expired na. Pero sabi naman nila I smell good daw. Naku sweetheart ang daming tumitingin sakin kanina. Feeling ko ang ganda ganda ko! Sweetheart!!!!!!”

Maya was giddy while Ricky was in a super tiger mode na!

“Maya! Don’t use my perfume!”

“Ha?! Bakit?”

“Eh… Eh … Kasi amoy ko yan. You’ll smell like me.”

“Kaya nga sweetheart, gusto kita lagi maamoy, hihihi!”

“Basta Maya don’t use it!”

“Andamot mo! Ikaw talaga! O sige na sweetheart. Tinatawag na ako ni Ms. Calandrà. Magdidinner na daw. Kiss mo ako para sa mga bata. I love you.”

Then she ended the call even before Ricky was able to say anything.

Patay! Nandun kay Maya yun perfume. She’s on the other side of the globe. And based on what she said, she was getting extra attention from other people. Knowing his wife’s friendly nature didn’t help his anxiety either.

“Argh!!! Ano ka ba naman kasi Ricardo!”

He berated himself for not securing that bottle.

He called Liza.

“Liza please coordinate with Ms. Pacheco and check Maya’s flight schedules, hotel accommodations. Everything Liza and please get me a flight to where my wife is. Asap!”

“But sir… how about our visitors?”

“Just get me that ticket Liza.”

=================

So hayun instead of concerning himself with the busy activity of LAS, Ricky is now in the flight to London to be with his wife.

It may be out of jealousy after he learned that she’s been getting extra attention from other admirers or maybe its the effect of the perfume and he couldn’t even control himself anymore and just needed to be with his wife.

Whatever reason, he needs to be with her. Nahiya naman siya to tell Maya about the perfume.

================

Hindi alam ni Ricky that the perfume Maya pertains to was his own and not the one from Josh.

What would he do if he finds out that the said perfume is now in the hands of Nikki Grace Lim?

Oh well, he can easily call Liza again. Basta wag si Minerva.😁

Advertisements

45 thoughts on “The Adventures and Misadventures of Ricky, Maya and the FAs : Scentsation”

  1. Hahaha! Sana lang may details kung ano yung nangyari na hindi makalimutan ni Richard.
    Good vibes again because of Maya and Richard’s adventures or shall I say misadventures. Thanks Ms. Timmy.

  2. Thank u Timmy_77 sa episode today. Tawa ako ng tawa-ang naughty!!!! Tama si Prince habang binabasa ko I’m chuckling dito saoffice and everybody seems to be interested to what I’m reading at kung bakit ako hamahagikgik dito sa corner ko. Buti na lang wala ang amo ko. Ganun ba talaga ka protective si Ser Chief kay Maya – ang possessive, at bakod agad! Looking forward to a spg scene sa next chapter in London, Timm, ha ha ha? Naaliw ako this time, sobra! Cheers!

  3. Hi, just love you stories … Especially this one … Comedy talaga at ang galing ng pagkagawa 😃
    Hope you can also give me the password for your other stories , its japhoenixx@yahoo.com.
    More stories please 😊

  4. Araguy , kinabagan na naman ako . Ms timmy adik na nga kami, ginagawa mo pa kaming baliw,.. tawa dito, iyak naman dun sa isa. hahaha Pati doggie namin napapalingon sa hagalpak ko. But no complain…kabag pa more!! Yebah!

  5. Twwa ako nang tawa dito sa misadventure ni mmaya ay sir chief…..jello Timmy bakit wala pa password….sa love and the soap 3 and 4….can you send it to me please….thank you…..

  6. hahahah….supeeeeerrrr enjoy ito! “ang story ng mahiwagang perfume”….kaninong mga kamay susunod mapapapunta ito?…pero gaano kaya ka-wild si Maya while the ‘effects’ are still on?….hahaha…thanks for the update ms.timmy…talagang you kept us imagining things!

  7. ms. timmy, lahat ng update mo kaabang abang, at higit sa lahat pag lumabas ang “The Adventures and Misadventures … ” you blow us away sa tuwa at tawa, at pati na yata kabag hahaha saan makabibili ng ganyang perfume kaya? naku, talagang masusundan ang kambal nyan pag napasugod ng London si singkit, ikaw ang patay ngayon Maya 😂😄😃

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s